PAGKILALA SA PERSONAL NA PANGANGAILANGAN : Pag-unawa sa Sarili
ANG PAGLALAKBAY patungo sa rurok ng ating buhay ay nangangailangan ng matinding pag-uunawa sa ating mga sariling pangangailangan. Sa gitna ng ating mga responsibilidad at obligasyon, ay minsan nating nakakalimutan ang ating ibang priyoridad.
ANO NGA BA ANG PERSONAL NA PANGANGAILANGAN ?
Ito ay ang ating mga pangunahing ginagamit o ginagawa sa pang araw-araw na pamumuhay.
— MGA HALIMBAWA NG PERSONAL NA PANGANGAILANGAN —
1. PISIKAL NA PANGANGAILANGAN :
– pagkain at tubig
– bahay at pananamit
– pahinga at pagtulog
– ehersisyo at trabaho
2. EMOSYONAL NA PANGANGAILANGAN :
– pagmamahal mula sa pamilya
– pagpapahayag ng sariling damdamin
– pagmamahal at pagtanggap sa sarili
3. MENTAL NA PANGANGAILANGAN :
– pagkonekta sa mga taong mahalaga sa iyo
– pakikipag-usap sa mga propesyonal na sikolohista
– paglutas ng problema
– paghaharap sa mga hamon sa buhay
– pag-aaral ng mabuti at pag-unlad ng kaalaman
4. ESPIRITWAL NA PANGANGAILANGAN :
– pagdarasal at pag-uugnay sa Diyos
– paghahanap ng kahulugan sa buhay
– pagpapalakas ng pananampalataya
– paniniwala na mayroong pag-aasa
KONKLUSYON :
Ang pag-unawa ay naglalayong maging susi sa isang magandang hinaharap—hindi lamang ito pinaplano o kaya'y sinusulat sa isang manipis na pirasong papel, kundi ito ay nakaukit sa mga desisyong ating tinatahak sa kasalukuyan.
Ang pagkilala sa sarili, isang landas na bumubuo sa yapak ng kahapon, ay siyang nagmistulang susi na maaaring magbukas sa mga pintuang matagal nang nakakandado. Ang bawat hakbang paabante sa kasalukuyan ay isang hakbang paatras sa nakaraan, isang paghahanda sa kinabukasan na ating hinuhubog.
Ito ma'y maaaring isulat sa buhangin at bato, papel o libro, ngunit hindi mapagkakaila na ang PAGKILALA at PAG-UNAWA sa sariling priyoridad ay hindi mabubura sa ating mga puso.
IPINASA NINA :
Miao, Erich Marie
Montecillo, Justine Marie
Lucido, Jelian




Comments
Post a Comment